 | homesick | Dec 17, '10 7:26 PM for everyone |
 I'm getting homesick i miss my cube i miss my friend's cube i miss my baby's cube i miss my baby's friend's cube i miss my teammates i miss my old teammates i miss spammers i miss hackers i miss vultures i miss other people's teammates i miss my mentors i miss my TLs i miss my AMs i miss batista i miss my pantry i miss my pantry's sofa i miss my pineapple juices i miss my milo i miss my coffee i miss my pantry's manang i miss my pantry's PS3 i miss my CR deluxe i miss my sleeping quarters i miss my massage chair i miss my treadmill i miss my stationary bike i miss my 11th floor carpet i miss my slippers i miss my faded jeans i miss my tshirt i miss my cube i miss my pin code i miss my white phone i miss my amp i miss my test machine i miss my scroll lock twice plus number 1 or 2 i miss shouting "hoy NR" i miss sleeping i miss eating while not on break on the pantry i miss 11th floor i miss 7-11 i miss ortigas i miss jenny's i miss consumer i miss trend micro i miss my home I'm so homesick right now... i miss things that made me miserable before... makes me think if i made the right decision of leaving my playground for a "better place" but.... come to think of it, the only thing that i am not missing is my previous work. So no matter how homesick I get, i still think I did the right thing here. It just takes a little getting used to.... but I still miss them... hayyyy hay eto nnman ako... busy man o hindi, single man o double, babalik-balikan ko pa rin ang blog ko para... magreklamo. hahahahahahahaha tawa nnman tyo. dito ko lang tlga napatunayan na hindi tlga makukuntento ang tao. teka rephrase nten. dito ko lang tlga napatunayan na hindi tlga nagtatagal ang pagkakuntento ng isang tao. at one point kasi feeling mo nasa'yo na lahat. Natutulog ka ng nakangiti at masarap gumising sa umaga. pero pag nakasanayan mo ung feeling na ganon eh magsisimula ka nanaman magisip ng ibang pwedeng gawin.Gusto mong mag-one step higher in achieving your dreams hehehehe pero mapapagod ka na naman sa kakaisip lang, marerealize mo na kulang pa ung kakayanan mo, na ang magagawa mo na lang sa ngayon e maghintay at magsanay... na nakakairita.... para shang puzzle na kapag akala mo nabuo mo na, may kasunond pa pala tpos mas mahirap at mas nakakalito... aun, hindi ka nnman masaya... masakit ang ulo mo kakaisip sa gagawin para mapabils ang proseso at ayaw mo nnmang gumising sa umaga. hay ano ba nman toh... such great ambitions can kill you. Masaya nman ako sa buhay ko pero hindi ko masasabing kuntento. Madami pa akong gustong patunayan pero hindi ko alam kung paano at kung kelan... hay, sakit sa ulo... Pero at least hindi na lablayp ung nirereklamo ko ah hahahahaha mejo nagmamature na ko ng konti hahahahaha tawa nnman hahahahahahaha!  ang cute noh hahaha un lang hehehehe happy!  | ho-hum | Mar 18, '09 6:47 AM for everyone |
It's me and him... Him and me...And I love him, and that's all that matters now...I know that this is not possible... Loving and needing are two totally different things, but i dont really care... I am happy and I think I'm ready to face the consequences of these actions... Once a fool, always a fool... O well... embrace thy choice, embrace thy destiny... And loving him is like loving the stars...I have to be contented in just loving them from afar because I know that at the end of the night, they still belong to the sky. wala si bernard[PSP ko] nagchacharge, kaya eto, gumagawa ng blog... hahahahaminsan tlga epal si feelings, nakakainistpos tagteam pa sila ng tadhana, tlgang bubugbugin ka nila...pinigilan ko, pero hindi kaya...lapitin ba talaga ako ng kumplikasyon sa puso??kanino ba pwedeng ipareconfigure ung puso ko, hindi ko ma-isolate ang problema...kainis kainis kainis....hindi pa naman ako malungkot pero alam ko un na ung kasunod nito eh...tpos san miguel septemberfest all over again!!!paulit ulit na lang, wala na bang iba??sino bang makakapagturo sa tanga? ang tanga ba alam na nilang tanga sila pero wala lang silang ginagawa kasi tanga nga sila?anak ng... its all coming back to me now syndrome etocan somebody troubleshoot me?? pramis ginusto ko magpalagay ng abo sa noo.may training kme knina, log reading lng ng performance issues[salamat pala sir tupe!]inabot ako sa office ng 5:30 ng hapon[para sa isang taong tulad ko na alas tres ang uwian at honda ay mahirap gawin un]. Trapik papuntang cubao, kasi naglalabasan ung mga tao sa simbahan na katabi ng kalsada. badtrip. hindi pa ko nakaabot sa misa. hay, gone were the days na ako ang umaayaw sa abong nilalagay sa noo ko, madali lang kasi noon. Pumupunta pa ung madre sa classroom.
Naalala ko tuloy nung highschool pag ash wednesday.
1. wednesday pero may mass sa gym at shortened ang mga subjects[oh yeah!] 2. after ng mass, pipila kayo sa classroom para magpalagay ng abo sa noo, meaning wala pa ring klase[oh YEAH!!] 3. After non, malamang lamang lunch na, or recess [OH YEAH!!!] 4. pipila ka sa canteen para malaman na walang binibentang pagkain na may pork, beef, or chicken. 5. may makakasalubong na batchmate, sasabihan mo ng "miss, may dumi ka *sabay turo sa noo*" tpos pag inaantok ung batchmate mo,pupunasan nya ung cross sa noo nya, tpos pagtatawanan mo sha... pero pag hindi naman, tatawa pa rin kayo hahaha 6. kung may makita kang siopao sa canteen, pramis magiging masaya ka at bibilhin mo, only to find out na ang laman nya ay monggo o kaya itlog[it works best sa mga first year pero lagi akong nabibiktima ng item na ito hahahaha]
Sabi nila, ang ash wednesday daw ay isang way para ipaalala sten kung san tayo nagmula at kung san tyo patutungo. FROM ASHES WE BEGIN AND IN ASHES WE SHALL END... un ang gusto nilang itatak sa mga kukote nten kaya nilalagyan tyo ng abo sa noo. Creepy kung iisipin, na sa kahit anong gawin mo, o kahit anong napatunayan mo sa mundo at sa sarili mo, magiging alikabok ka rin balang araw... kaya nga siguro para sken, iniisip ko na lang at least naging masaya ako, at alam kong may mga mabubuti naman akong ginawa. Kaya nga siguro ganto ako, sobrang kelangan sulitin ang buhay... Alalahanin ang mga makukulet ng mga pangyayare pero matutong bumitaw at mag-move on...
Pero hindi talaga ako makapaniwala na muka nang reflection tong blog ko... e dati hirap na hirap akong gumawa ng reflection hahaha
pero kainis. di ako nakapagpalagay ng abo. at nainis ako bigla sa siopao na monggo.  I was crying almost everyday for the past week, all because of my growing third molar...
grabe, i didn't imagine the pain it brought me, all for just a wisdom tooth...
hahaha, while i was in pain, my friends and officemates would comfort me by saying "congratulations, you have now acquired wisdom."
inisip ko tuloy kung bakit sha tinatawag na "wisdom" tooth... sbe nila, kasi daw pag tinutubuan ka na ng wisdom tooth, it means that you're old enough, kaya you've gained wisdom... But I have a different opinion...
I think when one's been through a lot of pain, that's the time they gain wisdom... Kaya sha tinawag na wisdom tooth kasi sobrang sakit nya pag tumutubo[not to mention the fever and the jollibee look-alike kasi namaga ung muka ko sobra]... kasi that's the only way to get wisdom...
hahahaha i know may pagka-emo nanaman ung sinabi ko, pero it has sense into it di ba?
siguro naman i've acquired some wisdom hahaha nakakapagod ding maging tanga noh :P
 ..... ilang araw ko na gustong magblog pero na blblanko ako. . . iba na tlga epekto sken ng pangumaga... kakaiba. minsan lang ako maubusan ng isusulat o sasabihin... kaya samantalahin nyo na... hmmm... minsan kahit nasa muka mo na ung katotohanan, pinipili mong iliko ung tingin mo.. o kaya... pumikit na lang... kaya kadalasan nauumpog ka na lng bigla... kadalasan ito ay tinatawag na tanga *bow* wala talagang sense ung sinabi ko, pero ako nagets ko hahahaha hay... mauumpog nanaman ata ako. Nagluto ako kanina ng tuna spread.Unlike any common tuna spread, instead na paghahaluin mo lng ung tuna, mayo at asin eh ginisa ko ang tuna sa bawang at sibuyas, habang naglalaga ng itlog, saka pagsasamahin at lalagyan ng mayo at asin... Pero hindi ito tungkol sa ginawa kong kakaibang palaman sa tinapay[na hindi naman talaga kakaiba kc ginagawa ko na naman un palagi sa bahay.] pero tungkol sha sa paghihiwa ko ng sibuyas kanina... As usual, parang sakin ang boarding house kasi pangumga halos lahat ang tao, so makapal ang muka kong nagpatugtog ng malakas sa kusina habang nagluluto... Kasalukuyang tugtog ang OO ng updharma down nung naghihiwa ako ng sibuyas... As usual[kasi hindi naman sanay maghiwa ng sibuyas] humapdi nnman ang mga mata ko, gusto nanamang umiyak.Shempre pinipigilan ko kasi nga ayokong umiyak pero kasi sobrang sakit iniyak ko na lang din. Umiiyak ako habang hindi tumitigil ang paghapdi ng mata, inisip kong hawakan ung mata ko ng kamay ko. Iniisip ko nang wag gawin kasi common sense, hawak ko ung sibuyas tpos ilalagay ko pa ung kamay ko sa mata ko, malamang lalong hahapdi un. Pero hindi ko rin napigilan, hinawakan ko pa rin ung mata ko. At sobrang tama ung hinala ko kasi lalo shang humapdi ng sobra sobra as in... So, pinabayaan ko na lang ako na umiyak ng umiyak hanggang mahugasan na ng iyak ko ung pagkasakit ng mata ko... Habang nangyayare un, tumakbo ang pagkaEMO, naisip ko kung bakit ginagawa ng sibuyas un... natutuwa kaya sha pag nakikita nyang sinasaktan nya ko? Naisip ko rin na next tym na gagawa ako ng tuna spread, hindi ko na lalagyan ng sibuyas ung luto ko, pero baka kasi magkulang ung lasa, kaya lalagyan ko pa rin siguro un ng sibuyas. kahit na ilang beses pa nya akong paiyakin. Tpos natawa ako kasi kung may makakakita lang sken knina, para akong nag-e-emote. Kasi ba naman ganon yung kanta na pinapakinggan ko tpos humahagulgol ako. Naisip ko tuloy parehas lang ang paghihiwa ng sibuyas sa pag-ibig. Minsan sa sobrang sakit na wala ka na minsang ibang choice kundi umiyak. Tapos kahit alam mong lalo ka pang masasaktan sa gagawin mo, hindi mo alam kung bakit pero nakikita mo na lang yung sarili mo na ginagawa pa rin sha. Hindi mo rin matigilan kasi alam mong un ang nagpapasarap ng buhay at kung wala un, parang may kulang. Kaya kahit ilang beses ka pang paiyakin, nagmamahal ka pa rin. Ewan, eto na ata ang pinakaweird na comparison ko sa pag-ibig.Takte sino ba naman magaakala na mageEMO mode ako habang nagluluto ng palaman sa tinapay!? hahahaha adik na tlga ako. Sana may magturo sken kung pano maghiwa ng sibuyas na hindi umiiyak. Sana rin may taong magturo sken na hindi maging iyakin. I'm on my way With my roses and box full of sweets I had it all, memorized the lines in my head Thinking I'd be winning your smile Once again heeey... But when I saw you I realized how I am ashamed of myself My mouth has failed to say the things i just can't express Afraid to say things I might regret heeey... What is there to do when I did something wrong I didn't mean to hurt you but it took so long To say I'm sorry I'm sorry Say you won't ever leave me down Say you won't ever leave me down Say you won't ever leave me down I'm sorry ewan ko... wala naman akong ginawang mali... pero eto tlga ung pumapasok sa utak ko pag naiisip ko sha... at ang mga bagay na nangyayari... sa utak ko at sa totoong buhay.... sorry na nga sorry na nga... hindi ko sinasadyang magilng isip bata at magulo hahahaha at hindi ko rin sinasadyang tumawa palagi... hindi man ako mukang seryoso kasi tumatawa ako... sorry na tlga.
Reply...
Cancel Reply....
Reply....
Cancel Reply...
ano ba tlga ha?? siguro kung nahihilo lang ang multiply screen, malamang nahilo na sha... nanlamig sa nakitang pangalan sa blog entry... ung klase ng lamig na parang gusto mong masuka... bakit kaya... pangalan nya....
hindi sha online... okay lang yan verna.... magpunas ka nga ng luha mo jan, muka kang tanga...
hahahaha shempre muka nnman akong tanga that's highly expected of me... dapat tlga kinoconfiscate na ang puso ko, mashado ko nang inaabuso...
itutulog ko na nga rin to... topak na tlga eh...
and I thought this was different. Now is all I know Now is all I got And I don't know If there will be tomorrow for us. Now is all I care about Now that you are here Now that you're the contents of my heart. Now you're all I know Now is all I promise And I don't know If there will be a future for us. Now is all I live for Now that you are near And it was best that from the start it was clear. Refrain: Loving is not owning We can let it go We can let it go. Loving is not owning You can let me go You can let me go. Chorus: There's a reason Why we love each other now And we don't know if this is forever. There's a reason Why we are together now And we don't care if it's not forever now. Now is all I think about Now that I am happy And I'm not sure If there will be a future for us. Now is all I offer It's everything I got And I still wish That there will be a tomorrow for us. Naghihintay pa man din akoNasaan na ang sinta koNakalimutan na akoAng lungkot koHindi man lang pinansin ang pagbatiUuwi na lang na luhaanAko'y puno ng kalungkutanDadaanin na lang sa tulogAng gabing puno ng panlulumo...Naaliw lang siguro ako sa tula na tinext sken ng isang kaibigan ko na itatago ko na lang sa pangalang vinzer nung alis nmen nung isang araw... Mantakin mo ba naman ang text ko parang pangasar sa kanya tpos ganyan ang reply nya sken hahahaha o pag-ibig nga naman hehe peace vinz!
si benjo ay isang praying mantis na action figure[tama ba? basta sha ung nasa kung fu panda] sa kapit bahay kong cube. Benjo ang pinangalan sa kanya ni Mei[ung mayari] pero hindi ko alam kung bakit... Nung nakatambay sa cube ko ang dalawa kong teammates na si Tommy at si Bebe at pinagtritripan nmen ang camera ko at si benjo. 
Ayan ang kinalabasan. *bow* 1. Training - ABAY - deployment sa team golf [January 2008]
2. Team Golf outing: PotiPot Island, Zambales [April 2008]
3. Team Charlie outing: Antipolo [May 2008]
4. Trend Micro Ad pictorial [May 2008]
5. First mountain and caving: Mount Manalmon in San Miguel, Bulacan [May 2008]
6. Trend Micro Summer OUting: Vista marina, subic [June 2008]
7. First river trekking: Daraitan, Tanay, Rizal [June 2008]
8. three-stars tatoo! [JUly 2008]
9. Mount Talamitam in Nasugbu, Batangas [ July 2008]
10. Mount Buntis in Cavite [August 2008]
11. Eraserheads Reunion Concert! [August 2008]
12. Septemberfest! Brown paper bag - Burby's - Dencio's - Something Fishy - Bahay nila Dingdong - Bahay nila Gene - Katipunan area - Timog Area - kahit saan basta may beer area. [ September 2008]
13. Car accident with Alner, Lemuel, Joan and Edward. [October 2008]
14. MOunt Pinatubo. [November 2008]
15. Trend Micro christmas party [December 2008]
16. Nikon D60![December 2008]
17. inuman sessions [ung hindi september naganap hehehe]
18. Isaw sessions [ sa UP man o sa UST]
19. Coffee Sessions: starbucks - mocha blends - gloria jeans - coffee bean]
19. Photo sessions: Quiapo - Binondo - Sta.Cruz - Post office - Antipolo - Timberland - Kung san san na may magandang kunan
20. Movie sessions: Gateway - Eastwood - Robinsons Galleria - SM megamall - SM Sta. Rosa
21. Bonds: Family - Friends - Teammates - Officemates - strangers [Both built and broken]
Hmmm... May naiwan pa ba ako?!?! Andami palang nangyare, akala ko humaba lang ung buhok ko hahahaha
Pero parang ang ganda pala ng 2008 ko hahaha kahit na.... hmmm... hahahaha
Happy New year Sa lahat! Sana exciting ulet next year!!!  maya maya irereformat ko si Melchor[ung PC ko]... Andami na rin kasing mga application na hindi ko na ginagamit,kumakain lang sha ng space at minsan nakakagal pa. Pero kelangan tignan mabuti ang mga files na kelangan kong i-save kay Lorelai[sa external hard drive ko] at ung mga files na kelangan kong na talagang bitawan at burahin... Bigla ko na lang naisip na minsan may taong nagreformat ng utak, pagtapos nagsystem restore[theoretically lang ah, kasi sa totoong buhay hindi ka tlga pwedeng magsystem restore pag nakapagreformat ka na] tpos nagreformat ulet... Bigla ko ring naisip na ang taong un ay ako... hahahaha Minsan kasi may mga bagay na dapat na lang iwanan at burahin kung yun ang makakabuti Pero, hindi pala malinis ung pagkakagawa ko ng reformat ko sa utak ko, may mge system restore points pa, nandito kay melchor. Pictures... Unpublished blogs... Message Archive sa YM... andun pa silang lahat. Ang kulet, para akong naglilinis ng maduming kwarto... Panahon na nga siguro para burahin ung mga alaalang mas sinaktan pa ko kesa pinasaya... Panahon na para magtapon ng basura. Dati inisip kong itago para at least may remembrance... Pero pag nakikita ko ung mga un, naiiyak lang ako. Anong klaseng remembrance un? Kaya okay na tong ganto, swak sa panahon. Bagong taon, magrereformat ko ang PC ko... Para masaya na ulet hehehehe

unang kaibigan sa schoolbus. unang kaibigan sa section.unang kaibigan sa buong highschool life ko.sampung taon na and still counting hahahaToday, singapore... Tomorrow, the world bwahahaha Next tym, kwentuhan ulet tyo ng evil schemes, mga pangarap at movie making sa starbucks sa singapore.Pero sa ngayon, magpayaman muna tayo hahahahaha ingat ka, Pauee. Hintayin mo ko jan.  | bagets | Oct 12, '08 1:16 AM for everyone |
may natutunan na naman ako... Grabe kaya bawal tumahimik eh andaming naiisip...
"you have to accept that even though you're trying your best to make it closest to what we can call "as we used to be", sometimes it can never happen."
Ganon tlga eh. Sometimes it's out of your hands. Hindi naman kayo nagkulang sa effort, sadyang wala na lang tlga ung X factor na makakapagsabing close kayo. End of the line kumbaga. Checkmate.
Hindi nyo naman tlga kasalanan. Nagtry naman kyong ibalik ung dati eh... Ung pagtext, pagPM sa IM, paglakswatsa, sinubukan nyong gawin ulet parang dati... Nagagawa rin naman, pero di mo matatagong may nagbago... May mga topic kyong iiwasan, kaya magkakaron ng maraming dead-air... Ung tipong "wala na akong masabing pwede kong sabihin kaya tatahimik na lang ako"...
Nakakainis... kasi alam mong may pinagsamahan kyo... Na kilala mo tlga ung tao na yan.Na mabait naman talaga sha, at totoong kaibigan... At alam mong kilala ka rin nya tlga... Okay nman kayong dalawa, pero hindi nyo makuhang maibalik sa dati...
Eto ata ung "growing apart"... o kaya "outgrowing each other"... Ayoko, pero walang magagawa, we just have to let go and move on. Sabi nga ng isang matalik kong kaibigan, "kung wala nang sense, tigilan na". Tama. Siguro mas okay na rin na ganto. Siguro magiging okay rin kayo after some time. Siguro mapupunta din kayo sa point na maituturing mo nang "katulad ng dati" ung pinagsamahan nyo. Pero di pa sha ngayon at wala tlgang makakapagsabi at makakapagbigay ng kasiguraduhan kung dadating ba sha o hindi hahaha. ang gulo lang. Pero sino bang nagsabi na maayos ang lahat?
:: o, ba't ang tahimik mo jan? wag mo nang isipin, kinalimutan ka na nun. ::
hahahahaha.

Tara. Let's all grow up hahahaha
"alam mo, kung gusto mo naman talagang gawin, kahit alam mong may masasaktan ka, gawin mo na lang, wag mo nang patagalin, kasi sa ginagawa mo, pinapahirapan mo pati sarili mo" Eto ang natutunan ko in a span of 14 days. Astig pala, akala ko hindi ko kaya. Isa itong idiot's guide sa mga idiot na katulad ko[hahaha] pero joke lang un. STEP 1: -UMIYAK KA.may isang araw dapat na ganto ang lifestyle mo: Umiyak hanggang sa makatulog, pagkagising, umiyak ulet hanggang sa makatulog ulet. Kalimutan muna ang pagkain, may bukas pa para dun. Gawin mo muna yung gusto mong gawin, ang umiyak... Basta siguraduhin mo na tapos nun hindi ka na iiyak, kasi pag ginawa mo un, tanga ka lang tlga. STEP 2: -LUMABAS KA. Ngayong tapos ka nang umiyak, Lumabas ka naman ng bahay nyo. Hindi healthy na mastuck ka lang sa stage na iiyak ka lang ng iiyak sa lahat ng memories na maiisip mo. Bite the bullet, and be strong. Lumabas ka, puntahan mo ung mga dati nyong pinupuntahan, kainin mo ung mga pagkaing gsto nyo pareho, wag mong pigilan ung sarili mong gawin ung mga gusto mong gawin. Pag naiiyak ka, okay lang, masakit naman kasi talaga eh, normal un, Pero wag ka na lang umiyak, kasi parang nahinto ka lang sa step 1. STEP 3: -MAGSAYA KA. un lang, magsaya ka lang, kasi eto ng panahong lalabas ung mga totoong kaibigan mo, sasamahan ka sa kng anong trip mo. Uminom ka man araw araw, magyosi, manglalake, magwala, magsuka, sasamahan ka nila. Kung wala man sila dun, hindi ka nila pinipigilan, kasi naiintindihan ka nila. Hindi lang siya ang mundo. Pinili mo lang maging sa kanya ang mundo mo, kaya dapat ngayong wala na siya, gumawa ka ng mas malawak na mundo. Mundo na puro masaya, kalimutan mo na ung sakit na binigay nya sa'yo. Sa ngayon, habang ginagawa mo pa ang mundo mo, Magsaya ka lang! STEP 4: -MATUTO KA. Pag nakagawa ka na ng sarili mong mundo, matuto ka na. Dapat hindi ka aasa, hindi ka mageexpect, kapag dumating lang e dapat ready ka na. Dapat wag kang mashadong maging attached, kasi kahit gano mo isiping kayo, minsan hindi pa rin. Wag mo nang gawin ung mga katangahang ginawa mo lang para sa kanya, at gawin mo ang katangahang hindi mo nagawa. STEP 5: -TUMAWA KA.HAHAHAHAHAHA!!! wala lang, tawanan mo na lang ung nangyare. Pabayaan mo na ung mga taong iniisip na tmatawa ka kasi nasasaktan ka pa rin. Problema na nila na hindi sila makapagmove on. Basta ikaw, okay ka na. "been there, done that" na ang naiisip mo. Eto na ung oras na tatawanan mo na lahat ng kagaguhang ginawa mo para sa kanya at mga inisp mo nang gawin para sa kanya. Wala na dapat sakit na pumipigil sa'yo. TAWA! HAHAHAHAHAHAHA!!! Hindi ko talaga sure kung applicable ba toh sa lahat ng tao, pero eto ang alam ko. Gumana siya saken, sana gumana sa mga hindi alam ang gagawin jan. At hindi ko rin snasabi na kelangan maging okay kayo nung nakagalit mo, at hindi ko rin sinasabi na kelangan boyfriend mo ung nakagalit mo, pwedeng ma"talik" mong kaibigan, matalik mong kaibigan, kapatid o aso, basta ang alam ko eto ang mga steps ko kung pano maka"move forward" pero wag nyong tanungin kung anong step na pero tpos na ko sa step 1,2 AND 3 hehehe enjoy lang nu ba hahahaha nakakapagod maging malungkot at masaktan. Hindi ka nagiging matapang sa "holding on" na ginagawa mo, takot ka lang mahulog at masaktan. Bite the bullet, you'll be alright. Tignan mo ko hehehe
| |